Death Penalty sa Pilipinas


Ang daming mga tao na ang nagpahayag ng kanilang mga opinyon tungkol sa Death Penalty, iba't ibang sektor na ang nagsalita. Ngunit sadya bang naiintindihan natin ang tunay na kahulugan nito?

Droga, gun-for-hire killings, pagpatay, pang-gagahasa, prostituion sa mga bata, kidnap for ransom, pagnanakaw, terorismo, at pagnanakaw sa kaban ng bayan, --- ito ang mga lumalalang krimen sa lipunan natin. Ito rin ang mga problemang ipapamana natin sa ating mga anak.

Subalit para sa lahat ng krimen na ito ay may isang kandidatong solusyon. Ito daw ay ang pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas.

Kali-kaliwa sa Social Media ang mga kumento at kuro-kuro ayon sa Death Penalty, isa nga talagang mainit na issue ito. Pero ano ba talaga ang pagkakaunawa mo dito? Ito ba ay pagpatay na lang sa mga masasamang tao? Ito ba ang solusyon sa problema ng lipunan?

BUHAY - ito ang isasawalang bahala ng pamahalaan, BUHAY na isang regalo, kung ang isang taong na lulong sa droga, isang taong nakapatay, isang taong nagnakaw,ay binigyan mo ng pagkakataon magbago at binigayan mo ng isang BUHAY pang muli, hindi ba't mas maganda at mapayapa ang pamamaraang ito?

Kaya mg kuya, ate, nanay at tatay, ano ba sa palagay mo ang makatwirang pamamaraan ng pagdisiplina sa mga nagkamali o nagkasala?

Comments