Marami pa rin sa mga bayan sa Pilipinas ang nagdiriwang ng Flores de Mayo o Santacruzan, kilala din itong Sagala. Ngunit alam ba natin ang tunay na kahulugan nito?
Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na ipinadiriwang sa buwan ng Mayo bilang parangal kay Birheng Maria. Kadalasan bawat isang araw ng buwan ay naghahandog ng bulaklak kay Birheng Maria para sa kaniyang taglay na huwarang kalinisan at kabutihan. Ang pagdiriwang ng Flores de Mayo ay pinaniniwalaang nagsimula noong 1854 nang ang Vatican ay nag-proklama ng doktrina ukol kay Imakulada Conception. Ito ay unang ipinagdiwang sa Bulakan at kinalaunan ay lumaganap sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas, at Pampanga.
Tradisyon na rin ang pagkakaroon ng Hermano at Hermana ayon sa kasaysayan, ang Hermano ay siyang nangunguna sa pag-aayos ng mga gagamitin at mga pisikal na paghahanda sa loob at labas ng simabahan para sa darating na pista para kay Birheng Maria. Katuwang ng Hermano ay ang Hermana na siya nangunguna para sa paggagayak ng Caroza para sa Birheng Maria.
Sa aking panunuod ng mga Flores de Maria sa iba't ibang bayan. Nakita ko ang patuloy na debosyon sa Birheng Maria, ngunit nalungkot din sa isang banda. May mga taong nakalimot sa tunay na kahulugan nito, nakalimot sa kung sino ba ang mas dapat ipinagdidiriwang dito. Nakakalungkot lang... na imbes ang Birheng Maria ang may magarbong bulaklak, magarbong damit at korona, at ilaw na nagniningning, ay hindi... nahahati ang attention sa mga taong nakalimot sa tunay na pakuhulugan nito.
Nawa'y sa mga darating na taon, ay mas lalong mapagyabong at maitama ang mga Kultura. Huwag sanang isang tabi ang mga tradisyon. Hindi patalbugan, Hindi payabangan, kundi Pagdiriwang ng Kalinis-linisang at Kabutihang Puso ni Maria para sa ating mga Anak niya.
What is Sports toto betting in 2021? - Sporting 100
ReplyDeleteWhat is the minimum bet 토토사이트 for sports toto in 2021? For example, bet365 has the minimum odds of 1.75 (1/4) for the first two bets to win the game,